Likhang Lapis.

Ang isang mahabang lapis ay maaaring makaguhit ng isang pirasong piyesa bago ito maubos hanggang sa kadulun-dulunan nito. Papaano nangyari yoon? Hindi ba ang isang lapis ay sapat na lamang para makaguhit ng isang sopistikadong imahe ng napakaraming bagay na makikita mo sa araw-araw?

Maaaring kaya ng isang nilalang na makaguhit gamit ang isang mahabang lapis hanggang sa maubos ito at hanggang sa isang tuldok na lamang ang kaya nitong maiguhit, maaari..

Makikita sa isang museo sa Museo Manilenyo ang isang napakalaking spoliarium na ang tanging ang ginamit na materyales ay ang walang iba kundi ang isang mahaba at mapayat na Mongol na lapis at kaunting sakripisyo sa oras at ang malawak na imahinasyon. Pagkalakad mo pa lang sa mala-salaming kintab ng sahig na papunta sa isang madilim na sulok ng museo, mararamdaman mo nang mayroong nakatagong bagay sa iyong paligid. At ang bagay na iyon ay isang likha na pumailalim sa balat at tagos hanggang loob ng puso ng isang taong ubod ang pagmamahal sa isang lapis na bigay ng isang hindi makalilimutang matandang dalaga.

Maoobserbahan kaharap ng isang higanteng kahoy na hinugis nang maingat ng isang manlililok sa Paete ang isang parihabang lalagyan ng guhit ng isang misteryosong Mangguguhit. Maitim, kasing itim ng uling na inilalagay para magmukhang aeta ang isang maputing meztiso sa isang dula ang unang impresyon sa unang pagkakataon na ito ang iyong makikita. Naglalaman ng mga mapaglarong linya ang likhang ito na tila may binabanggit na hindi mo maiintindihan kung bakit ito nailabas sa isang prestihiyosong museong ito.

Isang laro na marahil ang gusto nitong ibulong man lamang sa tenga ng kung sino man ang makikining. Ang likha ay mailalarawang isang malakihang bersyon ng isang editoryal na karikatura. Ang kinaibahan lang nito roon sa karikatura sa editoryal na pahina ay ang laki ng papel na ginamit para rito at ang espasyo marahil ng pinaggawan nito. Isang batang lalaki na tila lumilipad na walang pakpak kaya’t parang nahuhulong siya mula sa langit katabi ng isang malaking harang na gawa sa simentong bloke. Kung masuring ilalagay ang sarili sa aktwal na sitwasyon sa guhit ay parang ikaw ang nasa ilalim ng mahuhulog na lalaki at para ka na lamang isang uod na sasalo o di kaya’y kanyang matatapakan ng tila nahuhulog na batang lalaki. Hayun! Isang lalaking tumalon pa-letrang A ang lalaki mula sa kabilang parte ng higanteng blokeng iyon! Ibang iba na talaga ngayon ang pamamaraan para maiguhit ang isang di-malilimutang pangyayarin na konektado sa isang bagay na malapit sa iyo.

Maaaring maniwala ka sa sabi-sabi ng mga kritiko na ang sining na ito ay may kaakibat na kamalasan matapos mo itong makita at mailimbag dahil maraming kritiko ang nawala na lamang bigla matapos nilang mai-limbag ang kanilang kritikal na impresyon sa likhang ito. Nagsimula ang lahat kamalasang ito sa isang balo at propesor na nagtapos ng Kolehiyo dala ang diploma ng isang pintor at manunulat sa isang kilalang-kilalang unibersidad sa Maynila. Nagulat na lamang ang kaniyang mga kamag-anak sa kaniyang pagkawala matapos nilang masilayan ang ipinagmalaki niyang kritikal na papel na nilimbag sa prestihiyosong Diyaryo na binibili ng daan-daang tao araw-araw, pagka silip pa lamang ng liwanag ng araw.

Pinagkaisahan ng pamilya na isa itong pangyayaring masusing pinagplanuhan ng isang estudyanteng may galit sa Kolehiyong kangyang pinagturuan dahil mayroon itong gustong sabihin na hindi umaayon sa sinabi ng kolumnista sa Diyaryo.

~Itutuloy -.-

–Arch

Advertisements
Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s